Last Friday, I received my score in our last two seatworks in NS 102 - Chemistry subject. I only got NOTHING - meaning, zero (0). I think it is because I did not follow the instruction, or I just dont know.
Siguro ganun lang talaga ang buhay, may mga bagay na madaling makuha o makamit. Inisip ko nalang na talagang may plano si God sa mga bagay-bagay dito sa mundo. Gusto niya sigurong ma-experience natin ko kung paano ma-frustrate o ma-disappoint. Ika nga, Learn from your own mistakes.
Naalala ko tuloy yung sermon ng pari sa mass last Ash Wednesday, na ang buhay natin ay hiram lang. Paliwanag ni father, ang Lenten Season (from the root word "Lent", past tense of "Lend") daw ay panahon ng pag-alala na huwag tayong maging mapagmataas kung ano mang mayroon tayo ngayon na wala ang iba. Sabi pa nga niya, sabihin daw namin sa katabi namin na "Mamamatay ka rin!" (we're all really laughing!). Kaya rin daw ash ang nilalagay sa nuo kasi nanggaling tayo sa abo, mamatay rin daw tayo at magiging abo. Lahat tayo ay pantay-pantay.
Sayang talaga, akala ko pa naman makakakuha na ako ng flat 1.00+ for Finals, kasi 1.50 ako ng Prelim, 1.25 sa Midterm. I remember na yung last 1.00 grade ko ay sa NSTP, super non-curricular lang. Sinabi ko ito, hindi para ipagyabang kung ano ang grade ko kundi, para sa mga tao na ma-realize na kahit na mag-fail sila sa isang bagay, may nakalaan na pagkakataon na masmaganda para sa atin. It's not yet the end of the world! So, GO! GO! GO parin!