Nangyari ito kahapon,
MK 306-Entrepreneurial Venture 1(EV1) class ko.
Sa klaseng ito kailangan namin(
as a group)
to conduct an idea—
whether product/service—
or idea generation ika nga nila—
for us to sell/render for next semester.
This also provides us(students) to put up a small business within the campus for one semester(which is EV2) but prior to that, we must first conduct a business study/business plan.
Kahapon, presentation ng aming mga generated ideas—prototype—meaning, real or tangible products—in front of panelist (professors). Ang daming estudyanteng kinakabahan dahil kung hindi na-aprubahan ang kanilang product, they need to generate another product. Naririnig din namin ang pagsigaw ng isang prof sa mga nagprepresent. Kesyo gasgas na daw yun product nila at kung wala na daw ba silang maisip na iba. Lalo tuloy kaming kinabahan—kahit hindi ko pinapahalata sa mga ka-group mates ko. Dahil naniniwala akong ma-aaprubahan ang isa sa mga prepared products namin—ang proposed products namin ay all foods—binalot, kakanin, munchins made in graham biscuits, at yun ini-expect namin maaprubahan—cereals, yun parang sa Ceralicious.
Grabe, nun prinesent na namin lahat—inuna talaga namin yun cereals—biglang sinabi ng isang panelist na “dog food” daw yun!—sabay tawa nila—Hello? grabe ha! Hindi naman! Pero meron namang isang panelist na nagustuhan at gusto niyang ipursue namin yun. Pero, pero, pero.. may isang pa-superior panelist effect ang nagdidis-agree. Bakit, unique namanang cereals ha,’di ba? So.. Disapproved! :( Feeling ko tuloy, walang purpose ang pag-upo ng ibang panelist kung lahat nalang ng sabihin nila ay disagree para sa isa (pa-superior). Parang ang sarap sabihing “Anong pang ginagawa ninyo dyan? Tutunganga lang?”
Nakakapang-init ng ulo.
Buong oras kaya nami’y doon lang naubos. As in, hindi na kami nakapag-lunch. Kaya pinadala nalang nila uli yun mga cereals sa amin at kainin nalang daw namin dahil alam daw nilang depressed kami. Huu! Buti nalang inaprubahan yung Binalot. Sayang talaga yun cereals. Sarap pa naman nun, wahaha.. ;p Kaya namin gusto iyon dahil madali lang gawin, kaysa sa Binalot na magluluto at magsasaing pa. Pero napag-isip-isip ko na magiging mabili o mabenta rin yun sa mga estudyanteng gutom ang mga sikmura. Lalo yung mga ayaw nang lumabas ng campus for lunch. Sana sa susunod na mga araw at semester, ay maging maganda na ang takbo ng business planning na ito.
Mam, ang ECO-Friendly Products po ay yung mga bagay na tumutulong po sa ating environment sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na gawa mismo mula sa ating Inang Likas na Yaman, halimbawa, Bio-Fuel. Naturingan pa naman kayong college professor, and to think na may Master's Degree pa. Tsk, tsk, tsk!