Ika-10 ng Mayo, taong 2010; naganap na ang kauna-unahang Automated Election dito sa Pilipinas. Nagsimula na ang Pagbabago.
Nagising kami ni Mama mga 5:05 ng umaga at dali-daling naghanda para sa pagboto ngayong araw na ito. Sumakay kami sa isang pampasaherong dyip na hinanda daw umano ni Mayoral Candidate Strike Revilla dito sa Bacoor, Cavite. Sinasabi ng mga nakasabay namin na magbibigay daw ng limang-daang piso pagkatapos naming bumoto. To tell you honestly, inasahan naming ito, ngunit noong pagkatapos naming bumoto, hindi na naming nakita ang namumuno sa pamimigay ng pera. Sa bandang huli, umalis na lamang kami na hindi tinanggap ang pera, at sa halip ay dala-dala ang malinis na konsiyensya na magkaroon ng malinis na halalan.
Dumating kami sa Molino Elementary School kung saan naka-destino ang aming presinto. If I’m not mistaken, Precinct no. 198, Cluster 0122W. Mga 6:25 na ng umaga na kami nakapila sa presinto at naghintay ng mahigit tatlo’t kalahating oras para bumoto. Naging mahirap talaga ang araw na ito hindi lamang sa amin, pati narin sa buong mamamayan dito sa Pilipinas. Sinabayan pa ng init ng panahon, siksikan at haba ng pila ng mga botante.
Sa huli, naging matagumpay din ang aming pagboto, na natapos ng 9:45 ng umaga.
Suhestiyon: Sana sa susunod na halalan ay gawin ng Comelec ang lahat ng kanilang makakaya higit sa ginawa nila ngayon.
FOR EVERYBODY’S INFORMATION: I VOTED SENATOR NOYNOY AQUINO AND JEJOMAR BINAY FOR PRESIDENT AND VICE-PRESIDENT POSITIONS.
“Aanhin ko ang Galing, Talino, Sipag, at Tiyaga, kung ang lahat naman na ito’y babawiin sa pagnanakaw taong bayan.”