Enrollment na naman! Woohoo!
Haa?? Ako?? O ano ako??
Ay.. oo nga pala, hehe.. Sorry naman. Nakalimutan kong kakatapos ko lang pala.
Pede naman sigurong mag-sorry ‘di ba?!?
For almost four years and five months, sa wakas! Wakas na wakas na ang mga paghihirap! Wakas na nga ba talaga o simula pa lang ito? Hala na!!
Una sa lahat, maraming, maraming salamat sa mga naghatid ng kanilang mga pagbati para sa aking pagtatapos, na kahit hindi pa official—I—ay talagang “
Congratulations” na ang aking natanggap, mula sa inyong mga comments, PMs, at wall posts..
Maraming Salamat po muli.
HINDING-HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN.
Gaya ng sabi ko, four years and five months. Matagal-tagal din yun ah.
At sa loob ng mga taon at araw nun, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga taong simula’t huli’y nandyan at hindi nagdalawang-isip na ako’y maging kaibigan/kasama/kaklase sa araw-araw, umalan man o umaraw, Bagyong Juan man o Ondoy.
HINDING-HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN.
At ngayong, masisimulan ko nang abutin ang aking mga pangarap, sana’y inyo akong suportahan at huwag pababayaan.
Para aking mga paaralan, lalong-lalo na kay Lualhati: Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga pagsubok na totong sumubok sa pagkatao ko. Ikaw talaga ang nagturo kung ano ako sa harap ng mga tao, ang sa harap ng mga taong aking masasalamuha sa totoong mundo ng hanap-buhay.. mga
Professionals.
Sa aking mga naging Guro: Marami kayong tinuro sa akin , at ako naman sa inyo’y may natutunan.
Sa aking mga naging kamag-aral: Alam kong magkikita-kita pa tayong muli, at sa mga araw na iyon, tayong lahat ay subok nang Successful sa ating mga sari-sariling field o career.
HINDING-HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN.
Kita-kits! ;>
ℒℴѵℯ lots.