Kasalukuyan akong nag-internet dito sa Multimedia room(Internet room) ng school ko.
Pangalawang beses ko na itong ginagawa(itong blog), dahil kani-kanina lang, nalog-out ko -- sa 'di sadyang pagkakataon.
Vacant ko ngayon, from 1:30 - 3:00p, sayang oras ei.
Ikukuwento ko lang naman ang mga pangyayaring gumimbal sa akin kahapon at kanina.
KAHAPON:
Nagising ako ng mga 5:30a, umalis ng 6:30a for my class at 9:30a. TAKE NOTE: three hours yan.
Nag-allowance ako ng isang oras para hindi ma-late, pero sa sinamaang palad, na-late din.
Dahil iyan sa napakatinding traffic sa may Marcos Alvarez Bridge sa Las Pinas.
Pano ba naman, itong si Mayor, nagpapabango na sa mga constituent niya -- gusto ata niyang hakutin ang lahat ng boto ng mga botante. LOL
Pwede naman nung bakasyon nalang sinimulan, bakit ngayon pa Mayor?
Kaya ang isa't kalahati o dalawang oras kong biyahe(from Bacoor, Cavite to Recto, Manila) ay umabot nang halos tatlo at tatlongpung minuto.
Pagdating ko ng school, yung mga guards nagche-check body temperature ng mga taong papasok ng school.
Buti nalang nakapasok ako, kahit may sinat-sinat -- super mild flu, pero hindi A(H1N1) ha.
Syempre, late ako sa first class ko. Pero wala pa namang prof, kaya pede na :)
Pagdating ko ng mga 10:00a, hay, buti nalang may kakilala ako, sina Denzel at Joanna.
Lumabas din kami agad, o diba, pag-upo ko palang, labas agad ng room, LOL. Super sa init kasi.
Ito pa 'yun eh.
Naging GOOD SAMARITAN kami ni Jo. may lumapit kasing Freshman student at nagtatanong kung saan yung room C210. Pwedeng CAS(COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES) o kaya namay CCSS(COLLEGE OF COMPUTER STUDIES AND SYSTEMS).
Yun tinanong namin yun Registration form niya, wala daw, naiwan, pero nasulat naman niya yung schedule niya sa kapirasong papel.
Buti nalang at wala kaming ginagawa nung time na iyon, at nasamahan namin siya sa room niya, pero medyo 30-minutes late narin siya. Nakakaawa talaga. Para ko ngang nakita yung sarili ko sa kanya nung First year palang ako sa College eh:(
At least natulungan namin siya.
KANINA:
Grabeng itraffic nanaman ang sumalubong sa akin kaninaang pagpasok ko -- dahil sa sobrang lakas ng ulan :(
Nag-ibang daan na nga ako para makaiwas sa traffic sa may Marcos Alvarez Bridge, hindi parin nakaligtas.
Tatlong oras uli.
Pero at least, nawawala-wala na yung sama ng pakiramdam ko.
May dadagdag pa diyan.
Yung bago kong bag... NASIRA! Nakakaasar talaga. Sumabit ata, kaya hindi ko namalayang nasira at nabutas yung likod. LOL
Kanina ko rin kinuha yung Class card ko, na supposedly, card ko last second semester and last summer class.
Ei, nag-inarte nanaman yung kinakaasaran ko sa office, kaya yun class card ko lang nung summer yun binigay, -- hindi niya kasi makita yung isa.
Ang sabi pa niya, "Ginawa mo pa kong card keeper ha."
Ito sana ang bwelta ko "Hello, nakatunganga ka lang kaya sa desk mo. Wala ka namang ginagawang mabuti dyan. pagalawin mo yang katawan mo, lalung-lalo na iyang ulo mo!" -- taray! :)
Naitanong ko tuloy...
"Kamalasan ba ito o pagsubok lang ni Bro?" -- Wow, drama, may pagsubok lang ni Bro pang nalalaman. LOL
2:30p na, wala na akong maisip na isusulat.
Wait pa ako for my next class.
Sana talaga, may sarili na akong Laptop, para kahit saan, pwede akong mag-blog :( :)
No comments:
Post a Comment