Sunday, October 25, 2009

Mamimiss ko ‘to.

Sem. break na!


Parang kalian lang nang—

*nakilala ko ang new circle of friends from all subjects I attended this semester—like Ian, Mark, Eric, Ged, Melba, L.A., Maya, Ilona, Shara, Ferry, Resh, Tj, Joanne, and Sarah from Speech; Norie, Lucille, Analyn, Ladz, Manel, and syempre si Aliah gurl from EV1; and Jenny from Finance,
*inis na inis ako sa schedule ko—dahil sa one and a half vacant before Speech,
*nag-iisa akong kumakain sa Earl’s carinderia at nang makilala ko si Jenny Layosa’y may kasabay na ako,
*nasira ang new bag ko,
*tuwang-tuwa ako sa 1 week suspension of classes due to typhoon Ondoy—but of course sad for all who’d been devastated,

HI 324 Class
*sumaya ako nang nilipat ako ng upuan—from back seat to second front row,
*umatend kami ng seminar about Rizal—with credit of additional points sa grade—na pinagsisisihan ni Martin,

BL 102 Class
*nabahala kami ni Vanessa sa 4.0 grade namin ng Prelim sa Law 2,
*nagkopyahan para makabawi sa Finals,

MK 306 Class
*naiinis ako sa mga Panelists ng EV—dahil hindi napili yung proposed product na gustong-gusto ko—Cereals,
*nag-meeting kami sa McDo at lahat ay super late—maliban sa amin ni Lucille,
*natakot na hindi makapag-Final defense—since late submission of paper,

AC 307A Class
*nag-Plant visit kami sa Novaliches, Q.C. at Canlubang, Calamba, Laguna,
*haggardness sa paghanap/pag-cocontact ng mga companies na pwedeng mapag-plant visit-an,
*inakala naming NOVA Hall ang NOVA Mall,
*pagod na pagod na kami sa kaka-tape ng bawat eksena namin sa E-E-E News 21—hosted by Krizzy and yours truly,

FM 311 Class
*naging Professor ko si Sir Tampon—Chubby Yet So Sexy ika niya—first time ever, at marinig ang mga katagang:

“Anyway!”
“Yuck!”
at
“Whatever!”

CO 116 Class
*wala kaming ginawa kundi maglaro lang nang maglaro ng mga Computer games,

EN 250 Class
*pinagtatawanan namin nila Mark at Ian ang speech piece na—“awwmmm... ”—while someone is delivering his line—on our first group speech practice—at pangalanan namin si P.E. Girl,
*naging Host ako ng isang Demo talk through Speech—na sobrang kinahihiya ko,
*binitawan ko ang mga linyang:

“Why? Can’t you see, we’re BUSY”
—as in BIZZZYY! at

“No. You shoukdn’t be thinking that way."
—may English accent talaga yung ‘that way’ like ‘duh wey.'


Mamimiss ko ‘to.

Saturday, October 24, 2009

Sabi na.

Sabi na...

Huling araw ng 4th year - First semester ko kahapon. Tatlong Final exams ang kinuha ko, at maganda naman ang kinalabasan. Yun nga lang may mga unexpected certainties talagang di-maiiwasan. Una, ang kodigong kumalat before the exam—syempre hindi ko na sasabihin kung anong subject yun baka malagot pa!—whaha! At pangalawa, ang hindi ko ma-get over-an na pagsagot sa Accounting.


Sabi na, your all mean din.

Doon muna sa una. Akala ko super serious, genius and good ang mga ka-block classmates ko sa isang subject, yun pala’y pilo’t pilya rin! Sa kanila ko kasi nalaman at nakuha ang leakage sa Final exam namin—tindi! Pero, hindi rin naman kami papatalo no. Naki-jam din at nakikopya rin kahit may pagkakataong maawa ka sa sarili mo’t sasabihing: “Kahit ngayon lang, kailangan lang bumawi.” As in kaparehas din ng dating Final exam yun leakage. Naawa tuloy ako sa Professor naming—na akala niya’y mababait, yun pala’y niloloko na din siya.


Sabi na, magugulantang ang lahat.

Pangalawa. Final exam sa Cost Accounting.Grabe! Super hirap na naman! Asa namang may dadali pa dun!—hehe. But of course, kailangang ganuon para may matutunan—harapin ang bawat hamon ng buhay—yun yown eh! Pagtingin palang sa number 1—hayy, anu na naman ito, Mam?—ang hirap ng theories! By 1.16p nagstart ang exam, at kailangang matapos at exactly 3p—daya talaga, sa TTH class 3 hours, kami, 2 hours lang! Anyway, dahil narin sa hirap ng theories part at sa pag-aalalang ako nalang ata ang hindi pa nagsosolve, ay nag-skip ako to Problem solving—okay naman siya, at least lumabas ang mga inaral ko—worth it, super! Sayang nga lang yun items 49 and 50—last two numbers hindi ko pa nasagot—2mins nalang kasi, “pass your paper” na—hoo! Hindi lang talaga ako makapag-get over sa Theories part. Hula kung hula talaga ang ginwa ko—as in letters A, B, C, D, ang sinulat ko from numbers 11-15. Wish ko na sa susunod na manghula ako, halu-haluin ko naman ang mga letters—hay!

Ang sarap ng feeling na na-accomplish mo yung mga requirements within the 5 months of semester. Behind all the difficulties encountered from Business plan writing, and group speeches—enjoy-enjoy lang talaga!

-Happy sem break! And congrats to all Octoberian-graduates—Roann and KC!

Monday, October 19, 2009

Cheating Monday

Yes, I did cheat—Again—for the second time around.

Kanina, nag-quiz kami sa BL 102—akala ko recitation—kasi sabi nung Friday graded recitation daw. Pagpasok ko ng first class, sabi ng mga classmates kong block section, ginawang quiz daw ni Sir. Hala! Although nag-review naman ako—pero bigla akong nag-cramping! As in parang lahat ng pinag-aralan ko—nawala! Kaya habang nagdidiscuss yun prof ko sa Rizal—andun ako sa sulok—nagrereview uli. Nun nagsisimula na yung quiz kuno, hindi ko naiwasang buksan at tingnan yung Lecture notes na binigay last week. Grabe—sobrang nahihiya ako sa sarili ko!

Ayokong buhatin ang sarili kong bangko. Hindi ko kasi gusto ang mangopya at ang mga nangongopya! Pero parang kailangan ko talagang gawin kahit labag sa loob ko. Sorry Lord! Gusto ko lang kasing makakuha ng mataas na Final Average this semester—for scholarship. Gusto kong ma-experience ang pakiramdam ng isang college scholar. Hangga’t maari, sana maging tama ang aking ginawa. Sorry rin Sir!

Oo nga pala, kanina ang Final quiz namin sa Accountin. As usual, may hindi nanaman ako nasagutan. Ang hirap ng Part 2—grabe! At as usual din, namental block nanaman ako—siguro dahil sa pressure na masagutan ko lahat. Nakalimutan ko yun ibang minemorize ko kahapon na mga variances equations.

Nabigla kami nang pumasok si Ms.Half Moon—sobrang nakakaasar itong office clerk na ito. Akala mo kung sino—super arte at p*n*it naman—whaha! Yabang?! Feeling professor—eh, clerk naman ang posisyon nya! Huh!


To Miss Half Moon—
“Akala ko lang naman na hindi mo kami sinasadyang mabigyan ng test parers ha! Bruhang ito!”
—whaha!

Ang sabi niya sa akin—
“Oo, sandal lang ha, kita mong nagbibigay pa ako dito eh.”
“Maganda ang lunes ko ngayon ha, ‘wag mong sirain.”
—Cge na, ganda mo eh!


Hay—Final week na ng first semester.Dami oang kailangang ireview for final exams! And for the next sem, iaaply na namin ang Feasibility study through actual business— Nakakakaba!