Saturday, October 24, 2009

Sabi na.

Sabi na...

Huling araw ng 4th year - First semester ko kahapon. Tatlong Final exams ang kinuha ko, at maganda naman ang kinalabasan. Yun nga lang may mga unexpected certainties talagang di-maiiwasan. Una, ang kodigong kumalat before the exam—syempre hindi ko na sasabihin kung anong subject yun baka malagot pa!—whaha! At pangalawa, ang hindi ko ma-get over-an na pagsagot sa Accounting.


Sabi na, your all mean din.

Doon muna sa una. Akala ko super serious, genius and good ang mga ka-block classmates ko sa isang subject, yun pala’y pilo’t pilya rin! Sa kanila ko kasi nalaman at nakuha ang leakage sa Final exam namin—tindi! Pero, hindi rin naman kami papatalo no. Naki-jam din at nakikopya rin kahit may pagkakataong maawa ka sa sarili mo’t sasabihing: “Kahit ngayon lang, kailangan lang bumawi.” As in kaparehas din ng dating Final exam yun leakage. Naawa tuloy ako sa Professor naming—na akala niya’y mababait, yun pala’y niloloko na din siya.


Sabi na, magugulantang ang lahat.

Pangalawa. Final exam sa Cost Accounting.Grabe! Super hirap na naman! Asa namang may dadali pa dun!—hehe. But of course, kailangang ganuon para may matutunan—harapin ang bawat hamon ng buhay—yun yown eh! Pagtingin palang sa number 1—hayy, anu na naman ito, Mam?—ang hirap ng theories! By 1.16p nagstart ang exam, at kailangang matapos at exactly 3p—daya talaga, sa TTH class 3 hours, kami, 2 hours lang! Anyway, dahil narin sa hirap ng theories part at sa pag-aalalang ako nalang ata ang hindi pa nagsosolve, ay nag-skip ako to Problem solving—okay naman siya, at least lumabas ang mga inaral ko—worth it, super! Sayang nga lang yun items 49 and 50—last two numbers hindi ko pa nasagot—2mins nalang kasi, “pass your paper” na—hoo! Hindi lang talaga ako makapag-get over sa Theories part. Hula kung hula talaga ang ginwa ko—as in letters A, B, C, D, ang sinulat ko from numbers 11-15. Wish ko na sa susunod na manghula ako, halu-haluin ko naman ang mga letters—hay!

Ang sarap ng feeling na na-accomplish mo yung mga requirements within the 5 months of semester. Behind all the difficulties encountered from Business plan writing, and group speeches—enjoy-enjoy lang talaga!

-Happy sem break! And congrats to all Octoberian-graduates—Roann and KC!

No comments:

Post a Comment