Thursday, July 08, 2010

LOKO-MO-KO

Prov. 11:25 says: “Be Generous and You will be Prosperous. Help Others and You will be Helped.”

Habang nakasakay ako kanina sa likod ng Bus patungong Lawton, Manila para pumasok sa eskwela, may isang lalaking biglang sumakay sa Bus ng aking sinasakyan. Kami ay nasa tapat na ng Philippine General Hospital (or PGH) sa may Padre Faura.

Lalaki(habang nakatayo na tumitingin sa mga taong nakaupo sa Bus): Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay nandito upang humingi ng kaunting tulong sa inyo. Kasalukuyan pong dina-dialysis ang aking anak sa PGH. Humihingi lang po ako ng kaunting tulong. Yun lamang po.”

Hindi rin naman ako nag-atubiling ilabas ang wallet ang humugot ng kakaunting tulong gaya ng ginawa ng  ibang mga pasahero. Kukunin ko sana ang natitira kong labing-isang pisong barya, ngunit nag-alinlangan na mas nararapat na bigyan ko ng mas malaking halaga. Binuklat ko ang aking wallet, at kinuha ang bente pesos. Inabot ang pera, at nakangiting tinanggap ang kanyang "Salamat"Naawa talaga ako sa lalaki. Nais ko rin matulungan ang kanyang anak, na baka nag-aagaw buhay na sa hospital—hindi natin masasabi.

Ngunit, sa paglabas ng lalaki..

Dispatcher(biglang sabi): “Huh, dati sai niya asawa niya yun dina-dialysis..”

Nagsinungaling ba talaga ang lalaki?
Bakit kailangan niya itong gawin?
Naloko ba kami? Ako?

Pero, sa mga tanong na ito, inisip ko nalang na hindi naman kami ang totong naloko niya, kundi.. ang Diyos.


Sa mga mata namin, kami ang nagoyo, pero sa mga mata ng Diyos, siya ang tunay na naloko.

No comments:

Post a Comment