Monday, September 19, 2011

Counter-strike

When: September 16, 2011; Friday
Where: Public Bus (Baclaran-Edsa MRT route)
Who: Me, who's slightly harassed

Hindi ko inakalang sa huling araw ng linggo, kakabahan ako nang ganun.

Sa bus, may upuang pang-dalawahan, pang-tatluhan, at animan (sa likod). Umupo ako sa tatluhan, sa may malapit sa pintuan, para sa madaliang pagbaba. Nakita ko rin ang iba kong officemates na sumakay din ng parehong bus. May nakaupong lalaki sa may bandang bintana. Tumabi ako, at hindi isinaisip na may ganuong klaseng taong makakatabi o masasalamuha sa araw na iyon.

Isa pala siyang 'manyak'. Gamit ang aking peripheral view, nakita kong unti-unti niyang tinataas ang kanyang shorts. At sa pag hindi ko pagpansin, bigla naman niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa gilid ng aking tagiliran, na wari'y kumakalabit. Tumititig. At pag may dumadaan sa gitna ng bus, saktong ibabaling niya ang kanyang tingin sa bintana.

Sa pagiging kabado, hindi ko alam ang aking gagawin.
Sisigawan at mumurahin. Sa inaakalang maaari akong tulungan ng mga ibang pasahero kapag narinig nila ako, and maybe worst, kung hindi. 

Kukomprontahin. Baka naman ako'y mapahiya kung hindi naman totoo. 

O tatahimik? Para walang gulo.

Ako'y tumahimik, inunahan ng kaba, at dali-daling bumaba nung sa Pasay road na.

Nagkamali ako

+++++
Bakit kaya may mga ganitong klaseng tao? Mga bastos, mga manyak! #FollowGodNOTdemon

1 comment:

  1. iba-iba kasi tayo ng kinalakihan kayat ibat ibang tao din ang makakasalamuha mo...

    kanya kanyang diskarte lang kung pano maka-survive

    ReplyDelete