Friday, April 13, 2012

Get to know me first ni Rosey

Hello mga BeKI! Ay, mga BeKIERful people pala! Haha.. Oo, ako nanaman nga ito. Ikukuwento ko ngayon ang kahulugan ng titulo nitong blog post ko.

Last Tuesday ito, habang nagtatrabaho kami ni Rosey, ang aking ka-Team at (mahirap man sabihin.. kaibigan? Haha).

Uy! Friday the 13th pala ngayon! Kakasabi lang ng DJ sa radyo. {WalaLangHaha}

Back to my story:
Tapos, biglaan nalang napunta ang aming kuwentuhan sa pagiging “Suplado” ko (daw?). Ang pagkakatanda ko, pinag-uusapan naming kung gaano kalabo ang aking dalawang magandang mata. Naks!

Konbersasyon
(AKO si BeKIERful, si Rosey si RACStar—name ng blog niya)
...
BeKIERful: “Ang labo kasi talaga ng mata ko. As in kahit nasa harap ko na, hindi ko parin nakikita (OA no? Pero totoo talaga!).
RACStar: “Kasi tuwing nakikita kita, halimbawa nung isang araw, nakangiti na ako sa’yo, pero ikaw wala ka paring reaksyon, hindi ka paring ngumingiti. SUPLADA MO!"

(Huuuuwwaaaatttt???)


BeKIERful: “Talaga? Kasi hindi ko talaga kayo napapansin. At hindi ko ring inugaling tumngin sa mga taong nakakasalubong ko. Kaya sigurong maraming talagang nagsasabing Suplado ko?”
RACStar: “Dapat sabihin mo tuwing sinasabihan ka nila ng ganun.. “Get to know me first”.

(BOOOOOOOOOM) Sabay tawanan+halakhakan kami to the max!!

BeKIERful: “Wow ha, English yun!”
RACStar:Well, haha.”

+ + + + +


Suplada nga!

Suplado? Kahit paulit-ulit kong sasabihin ito, sabi nga ni Rosey, “Get to know me first.” Wala akong karapatang magsuplado. Kung meron man, think about it first. Baka wala ako sa mood, o baka naman galit ako sa’yo. Pero siguro, napakabihirang mangyari yun. Life is too short to stay mad everyday. J If we happen to meet halfway (wow, Englishan ‘to!  Tama nga ba? Haha), kindly try to wave a hand or say “Hi” as nearer as I can see you. At talagang nakiki-usap ako ha! Basta, ‘wag niyo sanang agad masamain ang magiging reaskyon ko sa inyo. BeKIERful person lang po din ako.

No comments:

Post a Comment