Saturday, May 14, 2011

Smile before you read

♫Smile, when your heart is aching.. La, la, la..♪♪
(Hindi ko na alam ang susunod..haha)

Sabi nila, since high school, iba daw aura ang mayroon ang aking mukha-bukod sa pimplets-madalas o araw-araw o menu-minuto or the worst, segu-gundo daw akong SERYOSO, as in capital S-E-R-Y-O-S-O. Pailalim kung tumingin, wala man lang ngiti sa tuwing may nakakasalubong, MATARAY?

Oo na, ako na ang biniyayaan ng mga (mataray) makakapal at salubong na kilay. Ito talaga eh. God make NO mistakes.

Bigla nalang ako nagulat sa katotohanang kailangan ko palang magsuot ng ngiti araw-araw, kahit wala sa mood. Bukod sa isa itong mabisang paraan para mapatagal ang ating pagkulubot/pagtanda ng ating mga mukha, na-realize ko kasing iba ang 'charisma' ng may masayahing mukha. Na kahit may mabigat tayong pinagdadaanan, with a big, simple smile, all of those will be quiet vanished. Oh, vanished ka d'yan!

Kaya, expect me to smile every second, minute, hour, or day, and at my last breath.

Sa mga nakakakilala sa akin, pakitapik nalang ako kung nakita nyo akong seryoso o nakasimangot!

No comments:

Post a Comment